top of page

PINOY OFW STRESS RELIEVER

PINOY OFW STRESS RELIEVER

SA AKING PAGBANGON

  • jelie1
  • Nov 5, 2017
  • 2 min read

Simula nung araw na ikaw ay lumisan. Puso't isip ko patuloy paring nasasaktan. Sa bawat gabi bago matulog akin paring iniiyakan. Ang matamis na pag iibigan ating sinimulan pero humantong sa mapait na hiwalayan. Napakahirap talagang tanggapin. Dahil mahigit sampung taon kitang kapiling. Kung dati rati di ko alintana ang mga pagsubok na darating. Ngayon hindi ko na alam paano lalaban at mag isa nalang sa aking paggising. Sadyang napakalalim ng sugat na iniwan mo. Hindi ko alam kung kailan maghihilom ito. Sa bawat minutong naalala ko ang panlolokong ginawa mo. Hindi ko parin mapigil ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Pero kailangan ko ng magdesisyon. Kailangan ko ng palakasin ang loob at sa pagkakalugmok ay bumangon. Kahit buhay ko ngayon walang matinong direction. Hindi ko na hahayaan pang madagdagan pa ang pagpapakatanga ko sayo ng ilang taon. Sa aking pagbangon dadalhin ko lahat. Sama ng loob at pighating sa akin iyong ipinalasap. Hindi dahil magpahanggang ngayon panloloko mo hindi ko parin matanggap. Kundi magsisilbing aral at leksyon at sandata ko sa hinaharap. Simula sa araw na ito ibinabaon ko na sa limot ang lahat. Lahat ng pagmamahal na inalay sayo dito na magwawakas. Pagkat ikaw ang taong taong karapat dapat. Sa kangkungan pinupulpot at sinasadlak. Aminado akong ngayon abot langit ang galit ko sau. Basta marinig ko ang pangalan mo kumukulo ang dugo ko. Diko alam kung kaya ko pang patawarin ang kagaya mo. Pinapaubuya ko nalang sa diyos ama at si karma nalang ang bahalang gumanti sainyo ng babae mo. At sa aking gagawing pagbangon. Gagawin ko ang lahat upang makapundar at makaipon. Ipapakita ko sayong kahit ako lang mag isa kaya kong umahon. At karapat dapat ang mahalin hindi basta bastang tinatapon. Balang araw makikita mo kung ano ang iyong sinayang. Marerelialized mo ring di ko deserve masaktan. Pero pag dumating na ang panahon na yan. Hu u kana sa akin yan ang pangakong akin ngaung bibitawan. Mula ngayon itatatak ko sa aking isipan. Di na dapat ako umasa na pwede pang ibalik ang nakaraan. Pagkat isang taon na ang nakakaraan. Kaya dapat lang binabaon na sa limot at tuluyan ng kinakalimutan. Sa aking pagbangon di na ako yung dating kilala mo. Kung nuon malambot ang puso ko ngaun patitigasin ko na ito. Salamat sa ginawa mong panloloko. Ngayon ko narealized na dapat mas mahalin ko ang sarili ko. Para hindi masaktan ng todo todo sakaling mangyari ulit ang ganito.


 
 
 

Comments


Welcome to Crazy Beautiful Me

<meta property="fb:pages" content="148434225714569" />

©2017 by Crazy Beautiful Me. Proudly created with Wix.com

bottom of page