top of page

PINOY OFW STRESS RELIEVER

PINOY OFW STRESS RELIEVER

PAANO BA MAGMAHAL NG TAMA?

  • jelie1
  • Nov 5, 2017
  • 1 min read

Ngunit hindi pala ganun kadali ang lahat. Sapagkagkat napakaraming tanong na bakit paano subalit datapwat. Na kahit handa akong magpakatanga pamilya ko pari'y nawasak. Na kahit alam ko sa sarili kong ginawa ko na naman ang lahat lahat pero para sa kanya hindi parin pala ako sapat. Kahit pala halos ibigay mo na ang iyong buhay at kaluluwa. Meron pa rin palang taong hindi marunong magpahalaga. Minahal mo naman ng todo todo pero bakit kulang pa. Hindi ka nman pangit pero bakit pinagpalit ka pa din sa iba. Mabuti pa yung mga ibang tao. Sila yung nanghihinayang nung nalaman nilang ako'y pinakawalan mo. Mabuti pa sila nakita ang aking mga sacripisyo. Pero ikaw naging bulag, walang ibang inisip kundi lang ang sarili mo Minsan mahirap man tanggapin. Na may mga mahal tayong nagagawang sumaya kahit hindi tayo ang kapiling. Kaya sa poong maykapal akoy humihiling. Bigyan nawa ako ng sapat na lakas at tibay ng loob upang pagsubok na ito'y makakaya kong harapin. Oo nga't alam kong mahirap ito sa umpisa. Pero dalangin ko sa diyos ito'y aking makakaya. Dahil kailangan kong maging malakas at matatag para sa mga anak kong umaasa. Kailangan kong bumangon at harapin ang bukas ng hindi ka na kasama.


 
 
 

Comentários


Welcome to Crazy Beautiful Me

<meta property="fb:pages" content="148434225714569" />

©2017 by Crazy Beautiful Me. Proudly created with Wix.com

bottom of page