top of page

PINOY OFW STRESS RELIEVER

PINOY OFW STRESS RELIEVER

HIWAGA NG PAGIBIG

  • jelie1
  • Nov 5, 2017
  • 2 min read

Pag ibig, isang salita pero sadyang may dalang hiwaga. Na kahit ang malungkot mong buhay kaya nyang pasayahin bigla. Na kahit walang dahilan kaya kang pangitiin ng abot tenga. Mapapangiti ka din kahit ikaw lang mag isa. Pag ibig, isang salitang sadyang may kapangyarihan. Nagkakaroon ng extra energy pag ito'y ika'y tinamaan. Walang puyat walang pagod sayong pakiramdam. Pagkat nahuhumaling ka pa sa pag ibig na iyong nararamdaman. Pero ang pag ibig kaya ka din nitong paluhain. Yung tipong halos ayaw mo nang bumangon at kumain. Ni hindi mo nga magawang tumingin sa salamin. Pag ika'y nabigo sa pag ibig halos pati buhay mo'y gusto mo ng kitlin. Nuon excited akong maramdaman kung paano umibig. Pagkat marami akong love story na napanood na nakakakilig. Ang hindi ko alam malaki ang pinagkaiba ng realidad at love storing scripted. Na ang mala fairytale story sa telebisyon lang nangyayari o di kaya ay sa panaginip. Nung una kong maranasan mabroken hearted. Akala ko my dreams, my life already ended. But somehow in the middle of my healling process. You came up in my life even I didn't expected. Napadali ang paghilom ng sugat ng puso ko dahil sayo. Biglang nagkaroon muli ng liwanag ang buhay ko. Unti unting nangarap muli ako. Na balang araw ikaw na nga ang Mr right ko. Pero kahit pala nagsama na tayo ng napakatagal na panahon. Kahit nagkaanak na at umabot tayo ng sampung taon. Hindi pala garantiyang walang makakasira sa ating relasyon. Dahil sa isang iglap, biglang gumuho ang sampung taon nating pundasyon dala ng malanding panahon. Isang malanding babae lang pala ang syang wawasak. Sa pamilya natin kasama ng mga binuo nating mga pangarap. Wala man lang akong kamalay malay na may milagro na palang nagaganap Na syang tumapos sa pag iibigan natin at pagiging ama mo sa ating mga anak.


 
 
 

Comments


Welcome to Crazy Beautiful Me

<meta property="fb:pages" content="148434225714569" />

©2017 by Crazy Beautiful Me. Proudly created with Wix.com

bottom of page