NANGARAP NAG ABROAD PARA SA PAMILYA HINDI PARA GUMAWA NG BAGONG PAMILYA
- jelie1
- Nov 5, 2017
- 2 min read
Dahil sa kahirapan ng buhay natin sa Pilipinas.
Nagdesisyon tayong mag abroad at iwan ang ating mga anak. At kahit masakit at mahirap. Ginawa natin ito para magkaroon ng magandang buhay na matagal na nating pinapangarap. Baon natin ang pangarap at tiwala sa isat isa. Bago natin lisanin ang bansa nangako tayo sa isa't isa. Na pagkatapos ng tatlong taon babalik tayo at muling magsisumula. Magpapatayo ng sariling bahay at negosyo at di na muling maghihiwalay pa. Nung una hindi naman tayo nahirapan. Sapagkat isang bansa lang naman ang ating pinuntahan. Tatlong oras na byahe lang naman ang ating pagitan. Kahit paano nagkikita naman tayo kahit minsan lang sa isang bwan. Minsan hindi maiwasang magkaroon ng tampuhan sa isa't isa. Dala ng pagod,frustration at hirap sa ibang bansa. Pero awa ng diyos naayos naman natin ito sa simula. Pero pagkatapos ng isang taon ikot ng mundo biglang nag iba. Isang araw inaya kitang magkita. Dati rati lagi kang excited at laging tuwang tuwa. Kaya nagulat ako at nag isip nang reaction mo nagbago bigla. Sabi mo di ka makakapunta dahil wala kang pera. Na impossibleng mangyari dahil malaki naman ang iyong kinikita. Pero hinala ko akin nalang sinarili. Sama ng loob pinili ko munang isantabi. Kahit nakakatampo pilit kitang inintindi. Para lang walang away o tampuhang mangyayari. Pagkatapos ng isang bwan natuwa ako dahil nakipagkita ka naman. \ Pero maraming nabago sayo at ito'y aking ramdam na ramdam. Andaming tanong na nagsimulang nabuo sa aking isipan. Pero pagdududa ko gusto ko munang mapatunayan. Akala ko haka haka ko lang ang lahat ng nasa isip ko. Pero nagsimula ka na ngang manlamig at lumayo. Kung dati pag gising sa umaga ako ang unang tinetext mo. Ngaun ni hi hello halos wala na akong matanggap mula sayo. Lahat ng hinala ko sayo'y totoo pala. Huling huli ka na nga pilit ka paring nagsisinungaling nung una. Pero nung lumaon eto na nga. Pinanindigan mo na ang babae mo at pamilya natin tinalikuran mo nalang bigla. Nangarap tayo nag abroad para sa pamilya. Yun ang lagi natin sinasabi sa isa't isa nung una. Pero sa isang iglap bigla palang nag iba. Para sayo nag abroad ka pala para talikuran ang pamilya para sumama sa iba.
Comentários