NAGSIMULA SA MATAAS NA HI NAGTAPOS SA MAPAIT NA GOODBYE
- jelie1
- Nov 5, 2017
- 2 min read
Hi! ang unang salitang sa akin iyong binitawan. Pagsagot ko ng hello ang hi mo agad nasundan ng isang katanungan. Ano ang pangalan mo maari ko bang malaman.? Jan nag umpisa ang love story natin ngunit humantong din sa hiwalayan. Nung una kitang nakilala agad nahulog ang loob ko. Dahil sa mga kabaitang ipinamalas mo. Agad nagtiwala at nagpadala sa iyong mga pangako. Na magsasama tau hanggang wakas at walang makakapaghiwalay na kahit pa sino. Ngunit ilang bwan lang ang lumipas. Sinubok na tau ng tadhana mga problema nagsimula ng lumabas. Minsan napapaisip ako bakit hindi nalang ako tumakas. Pero mas pinili kong panindigan ang pangakong binitiwan na ikaw at ako lang hanggang wakas. Di man kasal nagdecision tayong magsama. Namuhay tayo ng sampung taon bilang mag asawa. Kahit maraming problema ang sumubok sa ating pagsasama. Pero nalampasan naman nating lahat sa awa ng ating dios ama. Hanggang sa nagkaanak tayo kahit wala pa sa plano. Pero pinili nating panindigan at harapin ito. Sa kabila ng mga hirap at pagsubok hindi tau sumuko. At nangako tayong magkakaroon ng magandang bukas ang pamilyang ating binuo. Nagdecison tayong mangibang bansa. Para mas mapabilis ang pag angat ng ating pamilya. Nangako tayong pag nakaipon saka tayo ulit magsasama. Kasama ng mga anak natin bubuo tayo ng masayang pamilya. Once a month na pagkikita ang naibigay sa atin na pagkakataon. Pero kailangan natin magtiis para tayo makaipon. Mabilis namang lumipas ang mga araw bwan at taon. Ni di nating namalayan isang taon na ang nabawas sa contrata nating tatlong taon. Pero isang araw bigla akong nakahalata. Sa mga kinikilos bakit merong kakaiba. Sa tinagal tagal ng panahon kitang nakilala. Alam ko sa sarili ko merong nangyayaring hindi maganda. Nagsimula na nga akong kutuban. Dahil first time lang na ako'y iyong tanggihan. Pati text at tawag nagsimula na ding nabawasan. Hanggang inabot na ng ilang araw ilang linggo na walang paramdam. Kahit hindi ko pa man kumpirmado ang hinala ko. Hindi ako manhid hindi ako tanga para maniwalang hindi mo ako niloloko. Unang una mahirap paniwalaan ang mga dahilan mo. Kaya nagdecisyon akong mag imbestiga para malaman ang totoo. Araw araw gabi gabi akong nag aabang. Mga social media account mo patuloy kong minamanmanan. Naniniwala ako isang araw lalabas din ang katotohan. Isang araw makakakuha din ako ng isang malaking katibayan. Hindi nga ako binigo ng tadhana. Isang gabi meron akong biglang nakita. Na sya kong ginamit sa pagtatanong at pag iimbestiga. At ang katotohanang matagal mo na pala akong niloloko ang sa akin sa mata ko ay bumulaga. Oo hindi man ako kagandahan at hindi rin perpekto. But i deserve an explanation from you. Andami kong tanong ngaun sa isip ko. Bakit mo ako ginago samantalang minahal naman kita ng wagas at totoo. Araw gabi madalas akong umiiyak. Panlolokong ginawa hindi ko matanggap. Puso't kalooban ko sobrang naghihirap. Bakit da dinami dami ng tao sa mundo, ikaw pa ang nagwasak sa pamilyang ating pinapangarap. Ang pag iibigin natin na nagsimula sa matamis mong hi. Na sinubok ng maraming problema pero lalo taung tumibay. Pero pagkatapos ng mahigit sampung taon nating paglalakbay. Ang pagmamahalang nagsimula sa matamis na hi ngayon nagtatapos na sa mapait na goodbye
Comments