MAY FOREVER BA SA LIPUNANG MAPAGSAMANTALA
- jelie1
- Nov 5, 2017
- 2 min read
Kung mahal mo ang isang tao lahat magagawa mo. Eto ang madalas naririnig ko sa mga kaibigan ko. Pero bakit pansin ko sa umpisa nlang ng relasyon gumagana to. Pag umabot ng isang taon hanggang tatlo. Bakit ang mga effort na pinakita sa umpisa unti unti ng naglalaho. Dahil ba masyado na tayong comportable sa isa't isa. Oh dahil ba ang damdamin ng babae sayo'y hulog na hulog na. Kaya ang pag aasikaso mo ay bawas na. At madalas gusto mo ikaw ang pagsilbihan na. Akala ko habang tumatagal ang isang relasyon. Lalong gumaganda dahil tumitibay ang pundasyon. Akala ko sa paglipas ng maraming taon. Walang sinumang makakasira pa sa ating relasyon. Pero hindi pala ganun sa inaakala ko. Malaki pala ang kaibahan ng realidad sa imagination ko. Akala ko pag nalampasan nyo ang ika sampung taon ng relasyon nyo. Kasing tibay na ng bakal ang katumbas neto. Ngunit kahit nga ang pinakamatibay na bakal ay nasisira din. Kung kinapitan ito ng kalawang at di ka nag effort linisin. Ganun din ang nangyari sa relasyon natin. Dahil nagpadala ka sa tukso at pagmamahal mo sa akin sa iba mo ibinaling. Magsisi man ako ngunit huli na ang lahat. Dahil mas pinili mo nang sumama sa kanya at talikuran akong ganap. Na kahit pa siguro magmakaawa akong ayusin nating lahat. Para sayo iba na ang iyong hinahangad. Wala pala talagang permanente sa mundong ito. Kailan lang ako lang ang mahal mo. ngunit subalit datapwat sa isang iglap bigla kang nagbago. Inaway mo akong walang dahilan at bigla ka nalang lumayo. Ni hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko. Ni hindi mo man lang ako kinausap. Ni hindi mo man lang pinaliwanag sa akin ang lahat. Siguro kung kinausap mo ako mas madali ko pa sanang natanggap. Kesa kunwari kang galit at nagtatampo pero un pala lahat ay puro pagpapanggap. Pero ngayon ako'y lubos ng natauhan. Na ginago lang ako ng taong aking pinagkatiwalaan. Na ang sampung taong ginugol ko sa kanya ni hindi nya pinahalagahan man lang. Kaya ganun nalang kadali sa kanya na ipagpalit ako at iwanan. Pero pinapangako kong babangon ako. Babangon ako sa pagkakalugmok at magsusumikap ako ng husto. Ipapakita ko sayo kung ano ang sinayang mo. Hanggang pagsisihan mong tinalikuran mo ako.
Comments