HINDI PERA ANG BATAYAN NG PAGIGING AMA
- jelie1
- Nov 5, 2017
- 2 min read
AMA, Ang tawag sa taong nagsisilbing haligi ng isang tahanan. Naituring na haligi pagkat pinakamabigat na responsibilidad sa kanya nakaatang. Sila ang nagpoprovide sa gastusin ng mga anak at pangangailangan. Pagkat dito nakasalalay ang pagkakaroon ng anak ng magandang kinabukasan. Kaya maraming ama ang handang magsakripisyo. Para mapaaral ang mga anak hanggang makapagtapos sa kolehiyo. Pagkat edukasyon lang ang syang pinakamahalagang nating regalo. Pagkat eto ang magsisilbing sandata nila para makahanap din ng magandang trabaho. Pero hindi lahat ng ama pare pareho ang pananaw. Hindi lahat ng ama handang magsakripisyo mabigyan lang ang anak ng magandang buhay. Pagkat may mga lalaki ding walang ginawa kundi mag enjoy lang at maglustay. Di baleng naghihirap ang sariling pamilya masunod lang nila ang kanilang layaw. May mga ama din na nagdesisyong mag ibang bansa. Maibigay ang pangailangan ng pamilya yun ang dahilan nila Tawag dito tawag duon naman sila nung umpisa. Para hindi mahomesick at di maramdamang malayo sila sa pamilya. Pero pag nakakilala na sila ng kapwa pinoy at naging tropa. Dun na nag uumpisa ang pagkakaroon nila ng amnesya. Nakakalimot na silang meron silang iniwan sa Pinas na pamilya. Madalas ang pakilala nila kundi binata ay may anak pero matagal na hiwalay na. At pag nabuko mo ang kanilang kagaguhan. Sila pa yung nagmamataas at matatapang. Nagbibigay naman ako ng suporta yun ang kanilang katwiran. Kaya daw ang asawa walang karapatang sila'y pigilan. Madalas humahantong pa sa hiwalayan. Pagkat may mga kabit na akala mo sinong matatapang. Daig pa yung naanakan kung umasta at mangatwiran. Akala mo hindi libog lang ang kanilang pinaglalaman. Lalong lalo na sa sitwasyong ang magpartner ay hindi kasal. Kahit pa may anak kayo at nagsama na ng pagkatagal tagal. Katwiran ng kabit wala kang marriage contract na hawak kaya alam ko saan ako lulugar. Rasong nakakahighblood nkaka init ng ulo ang sarap sumakal. Minsan sabihan ka pa ng kabit dapat ka daw magpasalamat sa kanya. Pagkat hinahayaan pa nyang magpadala ang jowa. Tanong ko lang bakit pera ba ang batayan ng pagiging isang ama. Matatawag ka bang ama kung pambababae ang inaatupag mo at anak mo di mo magawang makumusta. Di ko rin maintindihan ano ang pananaw ng mga kabit. Hindi ko sila hinuhusgaan at hindi rin nilalait. Pero kung matino kang tao, hindi mo hinahayaang ang sarili na makapanakit. Ng damdamin ng isang tao lalong lalo na ang isang paslit. Lahat tayo dumaan sa pagkabata. Alam natin ang feeling ng naghahanap ng kalinga. Pera at materyal na bagay di kayang tumbasan ang halaga. Ng mga yakap at pagkalinga ng isang ama. Ano ang maramdaman mo kung marinig mong tinuring kang patay ng anak mo. Sisisihin mo lang ba mga taong nakapaligid sa kanya sasabihin mo tinuruan ito. Di mo ba naisip na kahit paslit may damdamin din ito. Naiipon din ang galit sa dibdib sa twing hinahanap ka pero ni hi ni hoy walang matanggap mula sayo. Kahit pa sabihin mo nagpapadala ka naman bwan bwan. Kung tutuusin ang limang libo mo sa dalawang bata kulang na kulang. Kaya padala mo wag na wag mong ipagmamayabang. Pagkat pagiging ama hindi pera, hindi suporta ang kailanman magiging batayan.
Comments