top of page

PINOY OFW STRESS RELIEVER

PINOY OFW STRESS RELIEVER

BALANG ARAW

  • jelie1
  • Nov 5, 2017
  • 2 min read

Mula sa pagkakalugmok sa mahabang panahon. Heto ako ngayon at nagsisimula ng bumangon. Dala dala ang mga aral at leksyon. Ng ginawa mong pagtalikod sa akin kahit wala namang valid reason. Oo aaminin ko isang taon din akong nalugmok. Isang taon ang lumipas bago ako nagdecide na ibaon lahat sa limot. Pagkat ang ginawa mo sa akin nagsilbing bangungot. Bangungot na hatid sa akin ay pighati't takot. Balang araw sabi nga sa pelikulang camp sawi. Makakamtan ko din ang kaligayahang matagal ng minimithi. Hindi man sau kundi sa taong aking mapipili. Na syang pupuwang sa pwestong iniwan mo at magpapangiti muli sa aking mga labi. Naniniwala akong hindi lahat ng lalaki ay pare pareho. Hindi lahat ay kagaya mong manloloko. Alam kong balang araw makakatagpo din ako. Ng isang lalaki na magmamahal sa akin ng wagas at totoo. Balang araw pangarap ko'y matutupad din. Sa pamamagitan ng sipag at tyaga kasabay ng taimtim na panalangin. Lahat ay aking pagsisikaping abutin. Maipakita sayo na kahit wala kana meron parin akong narating. Kung sakaling balang araw ay magbalik ka. Sasabihin sa akin patawad ayusin natin ang ating pamilya. Sakaling mangyari yan ako naman ang tatawa. Pagkat sa araw na ito, nakaukit na sa puso't isipan ko na patay ka na. Balang araw, matatanggap din ng mga anak ko. Na ang ama nila mas piniling sumama sa iba kesa magpakatino. Pagmamahal ko sa kanila dodoblehin ko. Hindi lang nila maramdaman ang kakulangan sa puwang iniwan mo. Balang araw sisikat din ang bagong umaga. Bagong umaga na magbibigay muli sa amin ng pag-asa. Pag-asang naudlot simula lumisan ka. Dahil mas pinili mong sumama sa iba kaysa magsacripisyo para sa ating pamilya.


 
 
 

Commentaires


Welcome to Crazy Beautiful Me

<meta property="fb:pages" content="148434225714569" />

©2017 by Crazy Beautiful Me. Proudly created with Wix.com

bottom of page