Marnigo, May Malisya na nga ba?
- crazybeautifulme
- Nov 5, 2017
- 1 min read

Magkasunod na nagcelebrate ng birthday sina Maris Racal at Inigo Pascual na mas kilala ngaun bilang Marnigo, ang team walang malisya. Pero marami ang nagdududa kung magpahanggang ngaun ay walay malisya pa rin ba ang kanilang love team.
Base sa ikinikilos ng dalawa, makikita natin na may extra sweetness at extra caring sila sa isa't isa lalong lalo na kay Inigo na halatang pumapag ibig ang peg. Well wala naman masama kung sakaling magkaroon na ng malisya ang relasyon ng dalawa. Infact mas marami pang matutuwa dito lalong lalo na ang Marnigo fans na matagal tagal din ang hinintay upang matunghayan ang pagsasama ng dalawa sa isang proyekto.

Bagamat hindi pa din official na inaannounce ang Marnigo loveteam, masaya na kaming mga fans sa mga exposure nila lalong lalo na sa asap, at siguradong hindi lang Marnigo fans ang natutuwa sa kanila dahil bukod sa may angking galing sila sa musika at pagsasayaw, hindi rin maitatangging magaling din sila sa pag arte at pwedeng pwede na silang isabay sa mga bigating artista sa kanilang henerasyon. And hopefully mabigyan sila ng malaking break soon.
Comments