top of page

PINOY OFW STRESS RELIEVER

PINOY OFW STRESS RELIEVER

Loving in Tandem ng mayward!

  • crazybeautifulme
  • Nov 5, 2017
  • 1 min read

Ang Loving in Tandem ay isang Romance comedy movie na pinagbibidahan ng sikat na bagong tambalang Maymay Entrata at Edward Barbers. Kasama nila sa nasabing pelikula ang kanilang housemate dati sa PBB house na sina Kisses Delavin at Marco Gallo. Ito ang kanilang kauna-unahang pelikula na ginanap mula nung lumabas sila sa bahay ni kuya. Bagamat baguhan sila sa larangan ng industrya ng pag arte, pinatunayan ng tambalang "Mayward" at "Kissmarc" na meron naman silang ibubuga at kayang kaya nilang makipagsabayan sa mga ibang artista sa kanilang generasyon.

Sa umpisa akala ko ay puro pakilig lang iikot ang kwento ng pelikula, but then again, nagkamali pala ako. Matapos kong panoorin ang ang pelikula, feeling ko ang sarap ulit mainlove. Na para bang hindi ako nanggaling sa isang napakasakit na break up. Kung pwede nga lang magvideo sa loob ng sinehan ginawa ko na para pwede kong ulit uliting panoorin ang nasabing pelikula. Pero since bawal talaga, kailangan ko munang mahintay na maging available ito sa cd at sa online.

Comments


Welcome to Crazy Beautiful Me

<meta property="fb:pages" content="148434225714569" />

©2017 by Crazy Beautiful Me. Proudly created with Wix.com

bottom of page