top of page

PINOY OFW STRESS RELIEVER

PINOY OFW STRESS RELIEVER

Reaction ng Kathniel sa pagbabalik ni Angel Locsin bilang si Jacinta Magsaysay Alamin

  • crazybeautifulme
  • Sep 28, 2017
  • 2 min read

Ang hit fantaserye ng ABS CBN La luna Sangre ng primetime bida ay nakakakuha ng mas mataas na bilang ng manonood mtapos bumalik ang award-winning actress na si Angel Locsin bilang ang misteryosang si Jacinta Magsaysay.Na syang kukunin upang tumulong na mamahala sa kampanya ni Sandrino (Richard Gutierrez) sa kanyang koponan upang matiyak na mananalo siya sa pagkapangulo. "Si Jacintha ay isang napaka mahiwagang tao. Siya ay dating nakatira sa ibang bansa at naging popular matapos siyang tumulong sa isang kandidato ng pagka pangulo. Siya ay talagang mahusay sa kung ano ang ginagawa niya, kaya hinahanap sya ni Sandrino upang matulungan siyang maging susunod na pangulo ng Pilipinas,"Kung ikukumpara kay Lia, si Jacintha ay isang tao.

Samantala malugod namang tinanggap ng mga manonood ang sorpresang pagbabalik ni Angel sa naturang fantaserye. Ang lead star na si Kathryn Bernardo ay kabilang din sa maraming tao na nasasabik sa bagong karakter ni Angel. "Ayon kay Angel,hindi sya nagkaroon ng pagkakataon na sabihin kay Kathryn nang mas maaga dahil ito ay isang lihim. Wala din daw syang idea kung sino pa ang nakakaalam ng kanyang karakter. Gayunpaman, bago pa umere ang episode ng kanyang surprise appearance ay naabisuhan nman daw nya ang "Teen Queen'' Tumugon naman daw ito at may kasama pang napakaraming mga emoticon kaya sa palagay ni Angel ay masaya nman ito sa kanyang pagbabalik.

photo credit to the owners

Ano ang papel na gagawin ni Jacintha sa buhay ni Tristan, Malia, at Sandrino? Ano ang kaugnayan nya sa pagbabago ng propesiyang hit primetime seryeng La luna Sangre? Huwag palampasin ang "La Luna Sangre," pagkatapos ng "Ang Probinsyano ng FPJ" sa ABS-CBN.

"Pwede rin kayong manood ng episodes replay sa site na ito.

Comments


Welcome to Crazy Beautiful Me

<meta property="fb:pages" content="148434225714569" />

©2017 by Crazy Beautiful Me. Proudly created with Wix.com

bottom of page